sa gitna ng kadiliman,
yakapin ang liwanag;
hanggang mag-umaga
kahit madilim pa,
di man iyan ang sukatan ng tapang
sa kabuuan ay may masisipat ka.
ibayong ngiti di masusukat
kahit ipaghambing ang tunay sa huwad.
walang kagyat sa ibayong wagas,
higit nangungusap mga matang hubad
sa pagbanaag ng tunay na kaligayahan.
wala man ay sa iba mahahanap
mga salik na inaapuhap,
lalamnin ng itinakda
kahit pigilin,
kahit iwasan,
kung iyo'y iyon ang nakalaan.
di tanong ang sagot sa pagkaalam
ng kung anong layong ipaunawa
ng mundo, ng buhay sa sinuman;
sa pagtahak mararating
ang hanggan nitong kainaman.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment