naibsan na ang pagluha,
dangan tigib pa rin
ang hapding nadarama
sa bawat pagkakataong
nanunumbalik,
mga kahapong di mawari
kung saan hahantong.
kaligayahang minsang idinulot,
unti-unting iwinawaglit ng paglimot
hanggang sa tuluyang maglaho;
di na kailangan pang lumayo,
ni pagsikapang itago
ng damdaming pinag-ibayo
ng kawalan o kalituhan,
sa pagtagal mahahapo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment