inaalat. walang laman ang utak. lumilipad ang diwa sa bawat pagtakatak. umaagos sa kawalang di maabot ang hangganan. nangalat ang mga latak mula sa batong maigting na halos mapugnaw sa tindi ng sikat sa bawat nagdaraang mga araw.
nilalasap ang sementong gawa sa susyal na lugaw panawid sa empatso ng diwang di mapatid sa uhaw na kamalayang walang kabusugan. walang tigil ang paghalo habang di pa yari ang ninanasang malikhang hulma.
tila di pa sapat o maaaring di na sumasapat ang imbak ng burak. kailangan pa karagdagang paghahanap at higit na masusing pagsisiyasat; tahakin at galugarin kahit pa ang pinakamalalayong baybayin. mas malalim, mas masidhi para sa pinakatatangi-tangi.
No comments:
Post a Comment