1.04.2011

ampait: wow.daw.how.bow

kung magbabalik ka pa
at di rin lang sa akin
ay huwag na
di na ako aasa pa.

di rito natatapos ang mundo,
kahit wala ka na sa akin
at ako naman sa piling mo;
di na baleng magulo.

wala pa akong maipalit;
naghahanap, nasasabik;
di pa kasi mawala
ikaw sa aking isip.

huwg kang mag-alaala,
ayos lang ako.
makalilimot din 
ang puso kong ito.

wala na 'kong magagawa
kung talagang ayaw mo na;
makahahanap din ng iba,
yaong mayroon ng wala ka.

at kung di ka na babalik pa,
baka di ka aking talaga;
patutunayan ko
kaya kong wala ka.


***""Hindi lahat ng love story ay may happy ending pero hindi rin lahat ng kwentong may happy ending ay love story."
[katwiran ng tinamaan ng magaling mangatwiran]

No comments:

Post a Comment