12.28.2010

bulong

nag-iisa sa kadiliman,
nilalaro ng mga kalokohang
nabubuo sa isipan,
mahirap pigilan.

di makuha ang gusto.
pagod nang maghagilap,
paroo't parito,
ano nga ba ito?

bakit dito pa nagsisiksikan
mga panggulong nararamdaman;
pilit tinatakasan
ang di maintindihan.

makulit, nagbabalik;
kahit tumakbo
di man lang makalayo,
tigilan n'yo na ako!

No comments:

Post a Comment