1.26.2011

marahil...

kanina pa ninanasang makapagsulat habang ang mga larawan, isipin at diwa ay nakikipasabayan sa ingay mula sa samu't saring nakabibinging tugtugin, mga mga nagdaraan, nakikipagsiksikan o nakatayo lamang.

ang bawat paghinto sa bawat kanto ng bawat pumaparang tao ay siya ring paglipad kasama sa mga alikabok at usok ang mga damdaming nabuo sa bawat oras at saglit na lumipas.

natapos ang isang bahagi ng paglalakbay mula sa isang pagsakay subalit hindi pa natatapos ang pagtahak habang patuloy nanaglalakbay kasabay ng lahat ng salik ng buhay...

No comments:

Post a Comment