3.27.2011

pagkat may nakaabang na mga susunod...

Halos hindi na namalayan ang tagal ng oras, taon, pagkakataon, panahong inilaan, isinakripisyo at sinayang sa iilang makabuluhan, naghatid kasiyahan, kaguluhan, sakit, karanasan at nakahihigit na walang kapararakan upang ibsan ang mga pangamba, takot o payak na pantanggal ng bugnot at pagkabagot.

Nabulag, nasilaw sa biglaan, pagtataka, paghanga o matagal na pagkawala na pilit ipinampuno sa anumang kulang o di pa nakita, nadama ito man ay may makatuwirang dahilan, pinaghuhugutan, patutunguhan o wala.

No comments:

Post a Comment