patuloy na naiipon ang mga burador na patong-patong. di pa mailiwat sa mga mababasang wika ng mga hubad na mata ang mga taludtod na di lahat ay makauunawa. binubuo ayon sa pagkakasunod-sunod ang kwentong ni di pa mailugar ang mga kudlit maging ang tuldok. ano nga ba ang simula, paano na nga ba ang kasalukuyan nitong tinatakbo, ano kaya ang magiging wakas. ilan lamang sa mga katanungan upang mabuo ang istoryang wala pa mang simula ay pinag-iisipan na ang kawakasan ayon sa nararamdaman, karanasan, mga panggulo sa isipan, mga balakin, pangarap o simpleng wala lang...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment