Sa isang mahabang pasilyo—
tahimik, mabibilang ang ilang pirasong lantad na tao;
sa madidilim na sulok pilit sumisilip
ang sinag ng tanikalang ikinukubli ng mga ulap.
Malalanghap ang simoy at tinig ng bawat mundong paglakad,
nakatunghay sa bilang ng
walang mukhang ipinaghihintay—
upang mabuhay,
upang ilibing ang mga nangamatay
at ituloy ang buhay.
No comments:
Post a Comment