Tuldok—
Matapos nang pasikut-skot.
Parang malabo kung magulo at magulo kung malabo.
Nakasanayan,
nililigiran,
inuunawa,
pinagtiiyagaan.
Mayroong nahagip lamang ng isip
kaya't ang iba ay tila nawaglit.
Kapara ng hangin, hamog, takot, sakit, sumpa;
Umiiral gaya ng saya kahit pa ng pagluha.
Nagtatalo kung di umayong magkasundo.
Matahimik na pagsigaw,
tanaw ang bawat galaw
maliban
sa mga lamang
nagsasalimbayan.
No comments:
Post a Comment