Bagong taong na, wala akong bagong post mula noong Nobyembre. Tinatamad ba, abala o sadya nga lang yatang walang pamukaw-sigla? Kung hindi inaalat ay siya namang buhos at ang pinakamahigpit na kalaban ay iyong meron na, iyong tipong handa ka na pagkatapos ay biglang mawawala. Mahirap magsulat sa hangin, daig pa ng makahagip ang paningin.
Parang ang taong nagdaan —sa wakas ay tuluyan nang namaalam. Marahang-marahan ang naging paghakbang. Tila isang napakahabang daan. Kinailangang magmadali at baka maiwan. Gayunpaman, sa kabuuan ay lubhang napakabagal.
Ayaw ko ng ganito.Hindi ito ang gusto ko —kaya nga ba at umusad akong mula roon patungo rito.
No comments:
Post a Comment