2.06.2012

inog

ibayong pagdurusa
iginuhit ng tadhana
sa mga pagitan nga
ay pamimiliing sadya.


kung nahahawakan lamang
ang nilalaman ng damdamin,
mayroong kayang
magnanasang maging sakim.


hahayaan ba at pagbibigyan,
hanapin kung saan
nanganganlong
mga panahong nagdaan.


ngunit bakit balikan man
tutungo saan naman
bibigyan bang daan
o mabuti pang wakasan.

No comments:

Post a Comment