12.24.2012

Nang...

Lumalalim na ang gabi habang ang mga kasama sa loob ng sasakyan ay matindi ang pagmamadali subalit kailangang dumaan pagkat may kailangang idaan at kailangan bumaba ng sasakyan kundi ay... hindi masusubukan ang tapang. Hingang malalim hanggang sa nang matapos ang nasambit na lamang sa isipan ay:

"nauulinigan ang saya ng himig sa bawat maraanan nang di inasahang muling matanaw ang durungawan makalipas ang mahaba at bumilang nang mga araw; nadarama nga ang pagdiriwang sa kapaligiran bagaman ang naturang puwang kung hindi tila ay sadyang kay panglaw, gayunpaman... ay ayon lamang.@_@"

No comments:

Post a Comment