paano pa nga bang hahagilapin
ang mga panahong hindi na sa atin
kahit pa naroon ang damdamin
kung hindi man magbalik tulad ng nagdaan
ay tuluyan na lamang limutin;
pagkat ang mga naging panagimpan
ay pawang hango sa katotohanan;
paano na nga bang pupunta,
kung naroon ka ay nasaan na?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment