Isang taon na ang nakararaan nang simulan ang unang araw doon sa dako kung saan tumatambad ang mga haligi ng matayog na gusaling dati-rati, sa loob mahabang panahon ay dinaraan-daanan lamang— yaon bang dahil sa nagkataong inihatid ng mga paa at hindi inakalang subok lang, nangulit kaya nga ba nagkaganon. Parang kailan lang mula roon hanggang sa ngayong lumipas nang halos hindi namalayan. Salamat po ng marami sa lahat mga natutunan, sa lahat ng itinuturo, sa tiwala, sa mga pagpapahinuhod, mga patitiyaga, sa pagtanggap, sa mga kaibigan at samahan, kasiyahan, karanasan at sa lahat ng biyayang patuloy na nakakamtan at sa mga darating pa :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment