mula sa durungawan
iyong pagmasdan
kung paanong
ang dilim at liwanag—
nag-aagawan.
tumingala sa kalangitan
abutin ang hangganan;
saan nga bang nagmumula
ang buhos ng ulan,
sinasambot ng mga matang
pipikit at nasisilam.
at sa muling pagmulat ng paningin—
ngiti rin ang sasalubungin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment