Nabasa ko sa isang kasabihang, "Hindi mo namamalayang lumalampas ang isang kaligayahan sa pintuang pinabayaan mong nakaawang." well... Tinagalog ko lang.
Sa totoo lang, kung palaging ganito ang magiging turing mo sa lahat ng pagkakataong dumaraan at lumalampas sa iyo kahit pa kinuha o pinalampas mo ito ay hindi ka rin mawawalan ng tanong na, "paano kung..." o ng sasabihing "kung sana..." dahil naging masaya ka man at hindi o nagtagumpay ka man at nabigo ay parating mayroon kang magiging pagsisisi kung hindi man panimdim o panghihinayang para sa isa sa dalawa o higit pa sa alinman o sa sinumang iyong pagpipilian. Eh paano kung wala?
Paanong manisi? Kailangan ba nito upang mailigtas ang sarili? Saan? Para saan? Hanggang kailan at ano ang kahihinatnan? Maaaring ang mga katanungang ito ay makatulong upang kahit paano ay guminhawa ang takbo ng mundo at sana kasama na rin ang mga hinaing niyang loob mo.
Paglalagom: Tayo ang nagpapasya kahit pa mayroong pambubuyo o pumipigil na sitwasyon sa paligid kahit pa dulot ng iba at maliban nang ating iniisip ang maaaring kahinatnan o ibubunga ng ating magiging pagpili at pagganap bago pa man ito sumapit kung hindi ay pagkatapos na lamang ng lahat ay yaon na iyon — ang bunga ng iyong nagiging sariling pagpapasya na ikaw rin lang ang gumagawa.

No comments:
Post a Comment