6.03.2014

Talaga go lang!

ikatlo ng Hunyo. Aking naririnig ang alingawngaw sa paligid at hindi ako sigurado kung ito nga ay ang pagpatak ng ulan o ang hangin na ibinubuga ng aircon at electric fan. Liwanag lamang ng cellphone ang nakikita ng nanlalabong mga mata habang pilit na kinakapa ang mga letra.

Ano ang sasabihin? Paki-explain.

Mayroong mga hiram na salita para sa mga di tuwirang mailiwat ng ibang wika.

Gaano katagal at ilang ulit na nga bang sinubukang dugtungan ang lamang ay tinuldukan.

Paano ginagamit ang tutuldok at tuldok-kuwit? Eh ang elipsis?

Magulo ang mundo at ang mga tulad nito— parang ang mga nananahan sa bawat isa ng alinman sa mga ito.

Parang ito, mailap parang kwago. Akala ko, akala mo, paano makasisiguro.

Eh naipost ito, so ano?

WalangKwenta.

No comments:

Post a Comment