3.28.2019

Hilera

Lumalamlam ang liwanag na sumisiwang
Sa salansan ng mga haliging nagkukubli ng
Pangarap, paghihirap, pagsusumikap, tunggalian;
Ng mga burgis, karangyaan, kabuktutan,
Ng katarungan—
Nakapiring at pag daka'y binubusalan—
Upang lamang maparam.

No comments:

Post a Comment