4.06.2019

Tadbalik

Sinisinta kang wala,
Niyayakap sa mga nasa;
Saan pa nga bang tutungo
Kung wala na ang mga tagpo—
Nilamon ng panahon, ng paglayo.

Gaano katagal na ba nang ika'y lumisan
Kaya't tuluyan naman sukat kita'y iwan?
Para ang tuwina ay kahapon lamang—
Nagpapasakit, nagpapagalit at ninanamnam;
Nagpapaalaala o namamaalam.

No comments:

Post a Comment