5.20.2020

Ewan na Lang

Sa akin ang linyang iyan
At iyo itong nalalaman.

Nakatutuwa lamang balikan ang nakaraan
Kung paanong ang mga kataga'y isinilang
Tulad ng damdaming hinagkan ng kay tagal
Habang paanong naparam ng ganoon na lang.

Yaong sana ba hindi na lamang para di nasayang
O baka ganoon talaga, hayaan mo na...
Basta ang mahalaga... ano nga ba?
Ewan, ewan na lang siguro talaga.

Tawa tayo, hahaha!
Eh kasi naman ang tagal tagal na,
Parang tanga, paulit-ulit na lang ba?
Kailan kaya kasi magiging wala na.

Baka konti pa, sana...

No comments:

Post a Comment