7.06.2020

DLT

Kailangan nang kalagan ang mahigpit na pagkahagkan:
Yaong habambuhay na sa tangkilik ng puso at isipan-
Nadama, ibinuhay, kinalinga, ninamnam at pinahalagahan;
Sinabi na nga ba't di maglalaon ay mapaparam,
Parang hanging naghatid sa langit at kawalan,
Kahit pa nagsasalimbayan ang mga saya at kalungkutan,
Isa nga ba itong imahinasyon, gunita, o kaganapang
Hanggang dito na lamang ang walang hanggan.

No comments:

Post a Comment