8.03.2020

free verse

Ang gusto ko lang naman sana ay 'yong ayoko na
Dahil lalo lang akong napapagod kapag ganitong wala ng ginagawa
Gusto ko nang makatakas, tuluyang makalayo
'Yong malayong malayo kahit pa ang totoo ay wala naman ako sa piling mo

Ang mga gabi ay tila tulad ng dati
Para bang kay gaan, kay dali
Sa tagal hindi ko na namalayan
Kasi parang laging nariyan, kapiling kahit kapag naiisip lang

Ang halimuyak nakasusulasok
Parang metaporang di maarok
Gustung-gusto kong magmukmok,
Sumigaw nang walang ingay sa isang sulok

Nasaan na nga ba ako mula nang lumayo
Kahit pa ang daming tinungong mundo
Lumundag, lumipad, kumaripas ng takbo
Nakikipaghabulan sa daang patungo lagi sa'yo

No comments:

Post a Comment