8.06.2020

Sampu-Sampu Sinto Sinto

Natutulala sa kalangitan,
Tinatanaw-tanawan na nga lang
Ang mga pagbuhos nitong ulan
Para talagang kailan lamang,
Di man lang nainip na pagmasdan
Mga nilalang at kaganapan,
Ang mga panahong dumaraan,
Kahapong walang kinabuksan,
Mga bagay na hindi nakamtan
Pagkat kinulang lamang sa tapang.

No comments:

Post a Comment