9.28.2020

Ngalay

Dito tayo sa dilim,
Sa ilalim ng mga bituin;
Habang yakap mo'y
Balot ng panimdim.

Nakapikit ang mga matang
Kay layo ng tingin,
Nakaraan ang
Umiihip na hangin.

Kay saya at bigla na lang
Walang pakiramdam;
Nasa akin na nga ba'ng lahat,
Bakit parang kulang.

No comments:

Post a Comment