10.21.2020

Dilim

Huminga ng malalim habang unti-unting naglaho ang sakit sa dilim.

Pinagmamasdan sa hinagap ang mga nakaraang kung paanong ang ihip ng hangin ay para sa mga gabing hindi ganap ang mga paghakbang sa mga daan patungo sa kung saan ba nais makarating o kung ano ba ang nais na kahinatnan. Noong ang mga naririnig lamang ay kung alin ang mga nais pakinggan habang ang ilan ay sinisikap pang mabatid ang kahulugan ng bawat ritmo at nakapaloob na salita. Simple lang ang buhay noon, bakit ba hindi pa naging na lamang masaya.〰️

No comments:

Post a Comment