10.03.2008

sa mga nag-aaral


Napakasuwerte niyo at nasa iskul pa kayo. Enjoyin niyo ang bawat segundong natatawag noyo ang sariling "estudyante" dahil maliban sa nakakamura kayo sa pamasahe at na-eenjoy ang mga araw na bumabagyo at holiday, eh ang pinoproblema niyo lang ay yaong titser na ayaw ninyo, mahihirap na project at seatwork, at kung papasa ba kayo... Sige idagdag pa natin yung baon at panggastos... Pero kapag estudyante ka, marami kang pangarap, gustong gawin at maabot. Sige lang enjoyin mo lang, malunod ka sa lahat ng pangarap na inaasam mo habang masaya ka sa piling ng mga kaibigan mo sa iskul... kasi kapag natapos na lahat iyan, di mo na maibabalik. At kapag lumampas ang lahat ng mga panahong iyan, kailangan mo nang humarap sa mundo, yaong di mo nakita habang nandoon ka pa sa panahon na puni ng pangarap... Kapag dumating ang oras na inakala mong makakahinga ka na sa lahat ng hirap sa pag-aaral, makararamdam ka ng pamamanhid na di mo malaman kung saan nagmumula at kung paano maaalis. Maaaring sa isang iglap ay ay hindi ka magkumahog sa kung alin sa mga binuong pangarap ang sisimulang tuparin hanggang sa palagay mo, sa dami ng pwedeng gawin ay di mo alam kung alin ang uunahin, gayundin ay magugulat ka sa dami ng maaaring pagpilian- di malaman kung paanong lahat ay aabutin maaaring dahil hindi para sa iyo, di pa panahon o dahil kailangang isaalang-alang ang realidad ng buhay. Talagang nakagugulat. Tatambad na lamang sa iyo ang mga bagay at pagkakataong di mo inaasahan o ni hindi nasapantaha noong isa ka pang tinatawag na- "estudyante"...

Ano'ng point ng lahat ng ito? Di ko rin alam, at di ko pa rin alam kung paano sosolusyonan o bibigyang treatment 'tong dilemnang 'to... Nag-iinarte lang!

1 comment:

  1. love this blog. =) naalala ko tuloy nung college pa tayo.. mahirap. masaya. halo halong emosyon. iyakan kapag gahol na sa pasahan ng mga projects. di ko talaga makakalimutan. kung ano man ako ngayon, kayong mga kaklase ko ang tumulong sakin ng mabuting pakikipagkapwa-tao. naks, emote??!! thanks razel. ipagpatuloy ang mabuting adhikain. =)

    -deeyan

    ReplyDelete