Totoo pong walang nagnais sa ganitong kasaklap na pangyayari. Mabigat din sa loob na maging ang ibang nasyon ay maraming nasabi at nasasabi sa atin lalo pa ngayon; sa nangyaring ito, ang bawat isa ay may panig, may kani-kaniyang palagay at kabi-kabila ang paninisi at panghuhusga subalit higit na masakit na tayo-tayo mismo ang magsisiraan...
Sa isang madilim at malungkot na kabanatang ito ng ating kasaysayan ay maging larawan nawa tayo ng panig sa katotohanan, pagmamalasakitan at ng pagkatuto sa aral ng mga nagdaang kaganapan. Gayumpaman, pagsaludo at pasasalamat sa ating mga tapat at matatapang na mamamahayag gayundin mula sa hanay ng ating kapulisang nanangan sa pagtupad ng tungkulin sa bayan...
No comments:
Post a Comment