8.22.2010

singHap

Sa lahat ng
Di lubhang naiisip;
Ni naaalaala;
Ni pinananabikan;
Ni inaasam...

Minsan; Madalas,
Nilunggati,
Niyakap.
Binihag; napabihag,
Nahumaling.
Lumuha,
sa Sabik,
sa Galak;
sa galit.
ayaw lang,
ayaw pa,
ayaw na.
kaway
sa malapitan,
habang Papalayo.
Di Inasahan;
Kagyat Lumisan.
Lilimot
Sa Nakalimot,
hanggang sa Makalimot;
Gaya Noon,
parang Kahapon,
Tulad Ngayon.

No comments:

Post a Comment