8.28.2010

Huli

Sa bawat pagkakataon, 
Sa gayang mga panahon nabuo, 
Naglaho ang kahapon; 
Buhat sa noon 
ang ngayon 
Sa limot nabaon.


Sa mga inilaang saglit, 
Sa kabila ng alaalang hinatak na pilit, 
Damdaming pinuslit; 
sa lihim na pananabik 
Ng damdaming pigil.


Sa sidhi ng nadarama, 
Sa pagitan ng mga kabanata ng tungalian, 
Napaparam; 
Napahihinuhod 
ang mulat 
Sa tunay na marapat.


Takdang di naiwasang 
Maranasan, 
Sa tuluyang pamamaalam, 
Samantalang 
Sa paghilom,
Mananahan.

No comments:

Post a Comment