"Black is Beautiful,
BIG is SEXY,
Therefore, I'm Beautiful and SEXY!!!"
"Darating din ang panahon na mararating natin ang gusto nating marating at magagawa ang nais gawin at kapag dumating ang panahon na iyon, sisiguraduhin nating para sa atin ang mga ito at para tayo roon..."
"Find a great escape to get over, forget and start anew."
"Maaaring di mapasaiyo ang lahat ng hinahangad mo pero maging mapagpasalamat kang nariyan ang mga kung an0ng mayroon ka na hindi mo na kinailangang hingiin pa..."
"Inuunawa ang di gaanong makaunawa sa nauunawaan ng may karampot na pang-unawa..."
"Marami pang mangyayari sa atin, kawawa naman ang mundo kapag hindi siya naambunan ng pag-iral natin dito..."
"Hindi mo naman pananagutang pangatwiranan kung bakit di mo na kinakailangan pang ipaliwanag ang iyong sarili ngunit huwag mong asahang mauunawaan ka ng lahat sa bawat sandali..."
"Sa mga bahagi ng pagkatao ko, sige ikaw na ang hinlalato."
"Kung minsan, may mga tao, bagay at pagkakataon kang ipinagwawalang bahala; maaaring dahil tiwala kang hindi naman ito mawawala sa'yo o matapang kang sabihing hahanap-hanapin ka rin naman nito pero ang totoo hindi mo kayang harapin ang katototohanang tuluyan na itong nawala sa iyo."
"Hindi lahat ng love story ay may happy ending pero hindi rin lahat ng kwentong may happy ending ay love story."
diba nga, "Happiness is a matter of choice."
Kanya-kanyang trip lang 'yan at hindi mo na kailangan pang ipaliwanag kung bakit at paano. Kung ikinahon ko o ng pagkakataon ang sarili kong mundo, malamang ako pa rin ito pero di ako ganito. Eh kaso hindi ko yata nakita at makikita ang sarili ko maliban sa pagiging ako. Di ako perpekto pati na rin ang buhay ko pero isa lang ang alam kong totoo— masaya ako!!!
Hindi mapangangatwiranang makatuwiran na ipangatwiran ang ibayo sa katuwiran. Sa makatuwid, di maitutuwid sa pagmamatuwid ang liko kahit sapilitan pang ituwid ng nagmamatuwid.
"...gaano man iwasan, ang pagiging makasarili ay katunayan lang na likas sa tao na kahit paano ay pahalagahan, mahalin at pagbigyan ang kaniyang sarili kahit itanggi pa niya o ikatuwiran na paminsan-minsan lang naman... wala naman sigurong masama kung minsan yaon man lang paniwalaan mo nang di ka maging makasarili laban sa iyong sarili..."
"subukan mong huwag hanapan ng sagot ng lahat ng bagay hanggang sa dumating ang pagkakataong unti-unting magliwanag sa iyo pati na ang mga detalye ng mga katanungang gumugulo sa iyo nang mga panahong pinipilit mong solusyunan ito..."
"i woke up from a drama yet my self-involvement is with the reality where all my senses are utilized and when i could think clearly."
^_^
No comments:
Post a Comment