Bawat paghakbang sa bawat daan ng
Bawat mundo na bawat pagkakataon ay
Bahagi ng pag-iral ay pinagpala, sinubok,
Pinalaya; natuto, nagsisi, nagbago;
Kumubli, nanahimik, lumisan, nagbalik:
Nang paulit-ulit, kung minsan di rin alam
Kung bakit di makabitiw ni makakapit...
Nang pagtagal sa kabuuan, naunawaang
Di mabibilang ang lahat ng nakakamtan
Sa kung mayroon pa mang kakulangan-
Nagpapasalamat lamang.
Pagkat sa pagtahak na ito, di pa marahil
Natatapos dito ang nagdaan at baka o
Nawa ay bibilang pang kapat na siglo...
Tapos... Pagkatapos...
Ilang ulit pa palang iinog ang mudo
Buhat sa kabila ay tatanaw mula sa dulo
Kung saan ka naroon-
Kung saan marahil ay dapat ka naro'n
Habang pilit na tinatanaw ang
Mga kinabukasan ay
Kailangang damhin, harapin, lampasan
Ang bawat dumarating-
Walang hanggan
Magpapasalamat pa rin.